PAGHANGA Paghanga ay kung saan may mga katangian na iyong nagustuhan sa isang tao, bagay o lugar. Maaari tayong humanga sa anong mga bagay, lugar o tao. Maaaring ang isang bagay ay napaka espesyal at nagdudulot ito ng kasiyahan sa iyo, maari kang humnga dito. Kung sa lugar naman maaaring napakaganda nito sa iyong pananaw na kung saan walang higit nitong ano pa man. Maaari din tayong humanga sa tao, pwedeng sa babae o sa lalaki na kung saan may mga katangian siyang kaaya - aya na wala sa iba.Sino nga ang aking hinahangaan? Para sa akin ang aking hinahangaan ay walang iba kundi ang aking mga magulang. Hinahangaan ko sila sa likas na katangian na meron sila. Mapagmahal, magpagbigay, maalaga, mabait at matulungin. Hinahangaan ko sila sa pagiging magulang ko, dahil sa labis ang kanilang pagmamahal sa akin na minsan ay napag isip-isip ko na nakakahiya dahil pagiging pasaway ko. Kahit ganun nakikita ko parin kung gaano nila ako kamahal.